HABANG kumakain sila ng sushi, umiiwas na mapatingin si Maurice kay Jacob. Lalo na at nananatiling salubong ang kilay nito. At parang lahat ng galit nito ay ibinuhos sa pagkain. Patunay ang mataas na salansan ng platito sa gilid nito. Hindi naman masyadong makakain si Maurice. Dahil tuwing yumuyuko ang binata ay sinasamantala niyang pagmasdan ang mukha nito. Galit talaga ito kitang kita sa sunod sunod na subo nito ng sushi. Akmang aabutan ni Maurice ng tubig si Jacob, nang bigla itong masamid. Ngunit mabilis na nadampot ang baso sa tabi nito. Inisang lagok lang ang laman. Ang buong akala niya ay titigil na ito sa pagkain. Ngunit continue pa rin kaya sinaway na niya. “Enough! Bakit sa pagkain mo binubunton ang galit mo sa akin ha? Mamaya ay pumutok na ang iyong tiyan. Nakalimutan mo yata