MAKALIPAS ang ilang buwang preparasyon sumapit din ang sandaling pinakahihintay nila. Bukas nang hapon ang kasal ni Mariz at Adrian Damian, pero wala pa rin silang balita sa kapatid na si Marielle. Kahit ang panganay nila na si ML, wala din alam kung nasaan ito. “Mahal ko, huwag ka ng malungkot, baka may mahalagang ginagawa ang kapatid mo na hindi niya maiwan-iwan. Saka may oras pa naman malay natin bigla kang sorpresahin.” “Sana nga pero kakaiba ang pakiramdma ko parang hindi talaga siya darating.” Naiiyak na sagot ni Mariz. === BANSANG FRANCE. Nagising si Marielle, sa ibang kapaligiran. Kaya nagmamadaling bumangon at bumaba mula sa kama. Subalit parang umiikot ang paningin niya at bago siya bumagsak sa sahig may bisig na sumalo sa kaniya. Nais niyang makita ang mukha ng lalaki p