KAHARAP ni Mariz, ang pinsang si Lanz, hindi niya inaasahan na kamag-anak nito ang future husband ni Marielle. Pero ang mas nakakagulat nang magkwento ang pinsan kung bakit noon pa ay galit na galit ito kay Mr. San Diego. At nagkaroon siya ng idea kung sino talaga ang lalaking dahilan ng kamatayan ng bestfriend niya. School mate pala nila ang mga ito noon sa college, senyor sa kanila ang grupo at kasama ng mga ito si Mr. Blake. “Hindi naman naging nobya ni Blake ang kaibigan mo.” Ani Lanz. “Imposible ang sinasabi mo, lagi nga sila magkasama.” “Palabas lang yon dahil ang totoo si Archie San Diego, ang nobyo ng bestfriend mo. Nang mga panahon na yon tatlo ang nobya ng pinsan kong yon. At upang hindi siya mabuking pinalabas na ang karelayon ng kaibigan mo ay si Blake.” “Sarap gilitan n