FLIGHT ni Maurice, pabalik ng Paris. Hindi niya ipinaalam kay Jacob. Bahala ang lalaking yon pumuntang mag-isa ng Paris. Nag-taxi lang siya patungong airport. At wala naman siyang dinalang gamit maliban sa importanteng dokumento. Nang makapag-check in ay diretso agad siya sa boarding area. Meron pa siyang tatlong araw na leave. Kaya doon muna siya magbabad sa bar. Agad silang nagkita ni Blake, kasama na naman nito ang dalawang lalaking yon. “Ano pala ang nangyari bakit parang stress ka?” tanong ni Blake sa kaniya. “He’s here, at nakasama ko rin sa company. Tapos dito din siya na-assign.” “Ganun? Anong nararamdaman mo ngayon? Na excite ka na ba na isa sa mga araw na ito prosibleng magkasama na kayo?” “Anong pinagsasabi mo dyan?” Ngunit tumawa lang si Blake. Saka siya tinalikuran at n