MERON natanggap na email si Maurice, bago ang IT ng kompanya. Kagabi lang ang note na yon mula kay Chairman Tristan. Kaya maaga siyang pumasok ngayon upang i-meet ang bagong empleyado. Sa company accommodation din ito naka-stay. Ang nais niya ay mawala sa pwesto ang vice president. Ganun din ang anak nitong saksakan ng maldita. At yon ang concern niya hindi ang bagong IT. Pero nag request na siya na tanggalin sa posisyon lahat ng walang title. Lalo na at walang modo ang babaeng yon at pinagmumulan pa ng gulo. “Ma’am Maurice, heto po ang mga kailangan mo.” “Okay, paki-patong diyan sa ibabaw ng table. Ipatawag mo rin at papuntahin dito sa opisina ko ang bagong IT.” “Sige po, Ma’am Maurice.” at lumabas na ang kaniyang secretary. Sinagot ni Maurice, ang tumatawag na si Blake. Bakit kaya s