WALANG isa man ang nagsasalita sa kanilang dalawa. Tila nag pakiramdaman lamang lalo pa at naroon sa likuran upuan ang ina. At alam ni Adrian Damian, na may ideya na ang kaniyang mama sa nangyari. Dahil nakita talaga nito si Mariz, na nanggaling sa silid niya kaninang umaga. Ngayon ay pauwi na sila sa bahay ng dalaga. At kahit nais niyang magtanong tungkol sa pag-uwi nito ng Bansang Pilipinas. Hindi rin magawang ibuka ni Adrian Damian ang bibig niya. Lalo at nakikita niyang nakatuon lang ang mga mata nito sa labas. “Mariz, tuloy ba ang uwi mo sasama kaba sa iyong mga kapatid mamayang gabi?” tanong ng ina ni Mama. “Hindi po, Mama Madelinne, hindi pala pwedeng umalis si Adrian Damian. May hearing po siya sa susunod na linggo.” Kinuha ni Adrian Damin ang pagkakataon. Sumingit na siya sa