LUMIPAS ang sampung araw. Muli silang nagtungo sa ospital. Pareho silang excited malaman kung may baby na ba sa sinapupunan ni Mariz. Maghawak kamay pa sila habang kaharap ang doctor. Panay dasal nila pareho na sana mag-positive ang resulta ng test. Subalit nang lumabas ang resulta. Umiling ang doktor at kitang kita ni Adrian Damian kung paano nasaktan si Mariz. Napasandal din ito sa upuan habang walang imik. At kahit sinasabi ng doktor na pwede naman daw ulitin. Pero nananatiling tahimik ang dalaga. Kaya nagpaalam na sila at sinabing babalik na lang kapag nakapag decide sila. Pagdating sa sasakyan ay wala pa rin imik si Mariz. Hindi muna pinausad ni Adrian Damian ang sasakyan. Hinayaan niya lang ang dalaga na nakayuko. Ngunit agad din naalarma ng makitang umiiyak ito. “Please, huwag