NAKAPOSAS ang isang kamay ni Luther, sa poste ng bed. Kahit anong pakiusap niya sa mga kaibigan hindi siya pinakawalan ng mga ito. Tapos bigla pang lumitaw mula kung saan ang babaeng ito na bato yata ang puso. Paano kaya ito nakarating dito? Samantalang nasa misyon sila ng mga kaibigan… wait, ano nga pala ang nangyari? Ang huling natatandaan niya ng maibigay niya ang maleta kay Mr. Chenggo. Sinubukan kumawala ni Luther, sa pagkaka posas ngunit hindi niya magawa. Napangiwi na rin siya sa kirot na nararamdaman. “Pakawalan mo nga ako dito, ano ba?!” galit niyang utos kay Heartless. Ngunit tinalikuran pa ako nito at nagtungo sa upuan. “Sige mag wala ka pa riyan ng tuluyan ka ng mamatay!” “Putang na!” Pagmumura niya kay Heartless. “Bakit ka ba naririto, ha?” “Wala kang paki! Ang gawin mo