NAKATULALA sa kawalan si Luther, pabalik-balik sa isipan ang sinabi ng mga doktor. Pati ang resulta ng tatlong beses na test sa kaniya ay iisa ang resulta. Paano siyang humantong sa ganitong sitwasyon? Wala siyang natatandaan na naging pabaya sa katawan. Pero bakit bigla na lang may malubha siyang sakit? Tinawagan niya si Seb, meron siyang nais malaman sa pinsan. Sana lang nakabalik na ng bansa dahil pagkatapos ng misyon nila ay lumipad ito patungo ng Bahrain. Ipinatawag daw ito ng ama nito. Kailangan din niyang makausap ang tiyahin. Kapatid ito ng kaniyang ama at sigurado may alam sa sakit niya. “Tol Luther, totoo ba na anak ng arabo si Tol Seb? At ang D’ Marcus, ay apelyido ng kaniyang ina?” Tanong ni Wyatt. “Yeah, sa tagal ng panahon ngayon lang siya kinilalang anak ng ama niya.“