SERYOSO si Adrian Damian, kaya medyo dumistansya si Mariz dito. Ngunit hindi siya makakilos nang nakorner siya sa gilid. “Wait lang AD, bakit ganyan ang titig mo sa akin may dumi ba ako sa mukha?” biglang kumalabog ang dibdib ng dalaga. “Oo may dumi ka sa mukha at aalisin ko lang.” aniya na mas lalo pang nilapit ni Adrian Damian ang mukha dito. At halos maduling na yata ito sa sobrang pagkakalapit ng mga mukha nito. “S-Sandali anong gagawin mo?” ang dibdib ni Mariz ay nag doble ang bilis ng pintig. “AD, masyado kang malapit. A-Ano kasi ang aalisin mo sa mukha ko? Meron ka namang mahabang kamay. B-Bakit kailangan pang ilapit mo sa a-akin ang iyong mukha?” nauutal na tanong niya sa binata. “Gusto ko lang subukan ngayon ang pagka torpe ko.” may halong panunukso na pahayag ni Adrian Damian