Dahan-dahan akong umalis sa kuwarto ni Sir Caleb at bumalik sa kuwarto ko para maligo. Siguradong mamayang alas-otso siya ng umaga magigising o baka mas late pa. Hindi siya nakatulog agad dahil sa amoy ko. Hindi ko naman kasi alam na ayaw niya na may katabing amoy langis. Kailangan ko lang maglagay dahil para hindi ako ubuhin. Gano'n ang ginagawa sa amin ni Nanay noon nang nasa probinsya ako. Nang matapos akong maligo ay kinuha ko ang telepono ko para tawagan ang kapatid kong babae. Gusto ko silang kumustahin dahil ilang araw akong hindi tumawag. Ayokong sabihin sa kanila na may sakit ako para hindi mag-alala si nanay. "Hello, Ate Jade!" "Jalyn, kumusta na kayo diyan?" bungad kong sabi nang sagutin niya ang tawag ko. "Okay naman kami rito. Ikaw, kumusta ka na diyan sa Manila?" "Okay n

