UMAKYAT ang kuryente sa katawan ko nang tumugon ako sa halik ni Sir Caleb. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang huminto sa ginagawa niya. Nang halos nauubusan na kami ng hangin sa baga ay huminto si Sir Caleb. Yumuko ako habang pulang-pula ang mukha ko. "You're a good kisser." Tumayo ako. "S-Sandali lang! m-may kukunin lang ako sa kuwarto ko." Hindi ko na hinintay na magsalita si Sir Caleb. Tumakbo na ako papunta sa kuwato. Pagkatapos sinarado ko ang pinto. "OMG! bakit ko ginawa 'yon?" Hanggang ngayon ay sobrang bilis pa rin ng kabog ng dibdib ko para akong may sakit sa puso sa sobrang lakas. Kinapa ko ang labi ko. "Bakit gano'n ang nararamdaman ko?" Pumunta ako sa banyo para mag-toothbrush sa pag-aakala kong mawawala ang halik ni Sir Caleb sa akin. Pagkatapos ay bumalik ako sa k

