ISANG TAON na ang lumipas mula nang huli kaming magkita ni Neil. Hindi na ako bumalik sa condo niya nang bumalik ako sa Manila. Naghanap ako ng mauupahan na malapit sa ospital na pinapasukan ko kasama ang kasamahan ko sa trabaho at naging kaibigan ko na si Rhi. Mabilis kaming nagkasundo dahil halos pareho kami ng pinagdaanan sa buhay. Noong unang tatlong buwan na hindi kami nagkikita ni Neil ay bumabalik-balik siya bahay namin upang hanapin ako. Mabuti na lang at hindi ko sinabi sa magulang ko kung saan ako nagtatrabaho at nakatira sa Manila. Ayoko na rin masira ang relasyon niya sa magulang niya lalo na’t siya ang personal na nag-alaga sa daddy niyang may sakit. “Shasha!” tawag sa akin ni Rhi habang nasa locker area kami at kinukuha ang bag namin. “Oh, bakit, Rhi?” “Magkaiba na tayo

