YES, MAYOR #2

2261 Words

NAKAPIKIT pa ang mga ko habang naglalakad ako palabas ng kuwarto ko. Iinom ako ng tubig bago maligo. Ito ang unang araw ko bilang Yaya ng alaga akong baby damulag. "Jade!" "Ukininam!" sigaw ko ng makita ko si Manang Lirita na kulay uling ang mukha. Ang mga mata at ngipin lang niya ang kulay puti kaya akala ko maligno. Sumimangot si Manang Lirita. "Gulat na gulat ka naman parang akala mo nakakita ka ng aswang." Napahawak ako sa dibdib ko, hanggang ngayon ay mabilis pa rin ang pintig ng puso ko. "Manang Lirita, bakit naglalagay ka ng uling sa mukha n'yo?" "Hindi ito uling, peel of mask ito, pangpaganda ito ng mukha." "May igaganda pa pala 'yan." Ang talim ng tingin niya sa akin. "Anong sinabi mo?" "Ang sabi ko may igaganda pa pala sa mukha n'yo. Ibig sabihin mas lalo kayong gaganda.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD