CHAPTER 1 NAKABANTAY ako sa labas ng eskinita ng barangay namin habang umiinom ng softdrinks at kumakain ng tinapay. Hawak ko ang nokia 3210 kong telepono. Kailangan kong bantayan ang mga tao na papasok sa loob ng eskinita namin. "Jade, bakit nandiyan ka na naman?" tanong ni Aling Kiray, na may ari ng tindahan sa labas ng eskinita. Umiling ako. "May hinihintay akong kaklase ko." "Sus! 'wag mo akong pinagloloko hindi ka naman nag-aaral ngayon paano ka magkakaroon ng kaklase." Napakamot ako sa ulo. "Kaklase ko noong high school ako ang sinasabi ko." "Ang sabihin mo binabantayan mo na baka may mga pulis na pumasok sa looban, may nagsusugal na naman ba?" Tumingin ako sa paligid saka umiling. "Huwag kayong maingay." Umiling si Aling Kiray. "Naku, tigilan mo na Jade ang pagiging look out

