"ALAS-OTSO nang umaga nang magising ako para ipagluto ko ng almusal si Rhi. Hindi ko ito madalas ginagawa dahil busy ako sa kumpanya ko pero ngayon pareho kaming walang pasok kaya naisipan ko siyang ipagluto ng almusal. "Good morning!" bati ko sa mga katulong namin. Gulat na gulat silang makita ako ng ganitong oras. "Sir Vladimir, pasensya na po magluluto pa lang po kami," wika ng katulong namin. Tuwing wala kaming pasok ay pinapabayaan namin ang katulong namin na tanghali na rin magising para kapag kumain kami ay mainit pa ang pagkain. "Huwag na kayong magluto ng almusal dahil ako ang magluluto ng almusal natin ngayon." "Sigurado po ba kayo?" Tumango ako. "Gawin n'yo na ang ibang gagawin n'yo ako ng bahala rito." "Sir, gusto n'yo ba ng katulong sa pagluluto?" Ngumiti ako. "Kayan

