"SIX months na si baby Jacxell, hays! Parang kailan lang hirap na hirap tayong alagaan siya dahil iyakin," sabi ko habang nakatingin kay Jaxcell na nilalaro ang kamay niya. Ang nakakatuwa sa kanya ay sinasabayan niya kaming matulog sa gabi. Hindi na katulad ng dati na tuwing gabi gising at sa umaga tulog na tulog. Nagigising pa rin naman siya sa madaling araw pero alas-kwatro ng umaga o alas-singko. Kapag gano'n ay gising na ang yaya niyang nag-aalaga sa kanya kaya hindi na rin nahihirapan si Vladimir na mag-alaga. "Mahirap pa rin naman tayong alagaan siya," sagot ni Vladimir. "Oo, pero nagagawa mo na ngayon 'yung mga bagay na hindi mo nagagawa noong bagong panganak pa lang siya. Araw-araw ka ng pumupunta sa kumpanya." Nagkibit-balikat si Vladimir. "Sabagay, nakabalik na ako sa trabaho

