NAPANGIWI ako habang pinagmamasdan ko si Rhi na mahimbing na natutulog. Nakatihaya siya habang nakataas ang damit. Ang anak namin na si Jacxell ay abala sa pagdede sa mommy niya. Si Rhi, tumutulo na ang laway habang tulog. "Kadiri talagang babae na 'to." Kinuha ko ang panyo at pinunasan ko ang laway niya. Ang sabi ni Rhi kapag sobrang pagod siya ay naglalaway daw siya. Siguro nga dahil ang hirap talagang mag-alaga ng bata lalo na at dalawang buwan pa lang ang anak namin. Tulad ngayon alas-dos ng madaling araw na at gising pa rin ang anak namin. Tulog na ang mommy niya pero ang anak namin gising na gising. Mabuti na lang at ganitong oras ako gising. Simula nang manganak si Rhi ay bihira na nga akong bumisita sa kumpanya lagi akong work from home dahil nakatutok kaming dalawa sa pag-aalaga

