CALEB'S POV ILANG-BESES kong tiningnan ang relong pambisig ko habang nasa kahabaan ako ng traffic. Limang minuto mula ang lumipas ng tumawag si Jade sa akin ay natapos na rin ang meeting namin. Hindi na ako sumama sa dinner ng mga kapwa ko opisyal dahil nalaman kong nasa bahay si Mommy. Hindi ako mapakali kapag dumating si mommy sa bahay. Lagi niyang pinag-iinitan si Jade kahit wala naman ginagawa. "s**t!" Hinampas ko ang manibela sa inis. Hindi na kasi gumagalaw ang mga sasakyan. Nasa biyahe pa lang si Jade. Kailangan ako ang maunang makarating para hindi siya maabutan ni mommy. Tumunog ang cellphone ko at nakita ko ang pangalan ng katulong ko. Agad ko itong sinagot. "Sir, si Madam, nagwawala na sa labas." Huminga ako ng malalim. "Kahit anong mangyari 'wag n'yong papasukin." "Sir,

