"Kumusta ka na anak?" tanong ni Tatay. Isang tipid na ngiti ang tinugon ko sa kanya. "Okay na po ako." "Bumili pala ako ng paborito mong prutas kainin mo siya para lalo kang lumakas." "Salamat, tay." Huminga ng malalim si tatay. "Anak… patawarin mo ako kung nadamay ka sa galit ng mommy ni Caleb. Walang ibang dapat sisihin sa lahat ng ito kung hindi ako. Hindi ko tinupad ang pangako ko sa kanya kaya masyado siyang nasaktan." Bumuntong-hininga ako. "Napatawad ko na kayo. Napatawad ko na rin ang biyenan ko sa ginawa niya sa akin. Hindi ko nga lang puwedeng pigilan si Caleb na iurong ang demanda sa mommy niya. Kung ako kasi ang pipiliin ay kakalimutan ko na lang ang nangyari." Naluluhang ngumiti si Tatay. "Salamat, anak." "Sino ang kasama n'yo na pumunta rito?" "Ang kapatid mo na si Ti

