LIMANG minuto akong nag-aabang ng tricycle ngunit hindi pa rin ako nakakasakay. Lahat kasi ng dumadaan ay puro puno kaya nahihirapan akong sumakay. "s**t! Baka mahuli na naman ako." Muli akong tumingin sa relo na pambisig ko. "Hays! Lakarin ko na nga lang hanggang terminal." Nagsimula na akong maglakad sa terminal ng tricycle upang siguradong makakasakay ako. Ngunit hindi pa ako masyadong lumalayo sa bahay na inuupahan ko ay may bumusina sa akin. Nilingon ko ito at nakita kong naka-motor. Gumilid ako sa pag-aakala na nakaharang ako sa daan. Huminto ang motor sa unahan saka tumingin sa akin. "Jade!" Kumunot ang noo ko. "Sino kaya 'yon?" Nakasuot siya ng helmet at black jacket kaya hindi ko siya makilala. "Sino ka?" Tinanggal niya ang helmet niya at nakita ko si Joseph. "Ako lang 'to '

