"Oh, bakit ganyan ang itsura mo parang kang nalugi," wika ni Chiena. Magkasabay kaming dalawa na kumakain ng almusal. Wala siyang pasok ngayon kaya magkasabay kaming kumain. "Ang pangit ba ng itsura ko?" "Oo, mukhang ka bruha." Sabay irap niya. Bumuntong-hininga ako. "Si Caleb kasi.." "Oh, nag-away na agad kayo ng boyfriend mo?" Umiling ako. "Hindi, pero 'yung nanay niya baka maging mortal enemy ko." "Ha? Bakit naman?" Huminga ako ng malalim. "Si Caleb kasi anak mayaman." "Okay, gets ko na, 'yung nanay niya matapobre kaya ayaw sa iyo dahil mahirap ka?" Tumango siya. "Oo, ayaw niya sa akin kahit noong katulong pa nila ako." Nanlaki ang mga mata ni Chiena. "OMG! Hindi ba't siya ang kinu-kwento mo sa akin noon na guwapo mong amo na nagtapat ng pag-ibig sa ‘yo noong birthday niya?"

