CALEB'S POV "MOM." saad ko, nang makita ko si Mommy na naghihintay sa may entrance door. Lumapit ako sa kanya upang yakapin. "Bakit hindi pa kayo natutulog?" Hinila ko ang wheelchair niya sa loob ng bahay. "Dalhin mo ako sa kuwarto ko may ipapakita ako sa 'yo." Sa tono ng pananalita niya ay mahahalata ang galit niya. Bigla kong naisip si Jade. Hays! Ano naman kaya ang ikinagalit ni mommy kay Jade. Nang nasa loob kami ng kuwarto niya ay may inabot siya sa akin na box. "Buksan mo 'yan." Binuksan ko ang box at nakita ko ang larawan ni Jade at ang isang nurse na kaibigan niya. Ito ang kasama ni Jade kanina, napilitan siyang tulungan ito dahil hindi makapagsabi sa magulang na bakla. Ilang-beses ko na rin itong nakikita na naglalagay ng makeup kapag kasama sina Jade. "Anong meron dito?"

