"Hindi ka na puwedeng pumasok sa trabaho, Jade, " wika ni Caleb. Nasa harap kami ng hapag-kainan dalawa at kumakain ng tanghalian. "Bakit naman?" "Hindi mo na kailangan magtrabaho dahil kaya naman kitang buhayin." Umiling ako. "Hindi kita mapagbibigyan sa gusto mo ngayon." "Bakit?" "Alam mong galit ang mommy mo sa akin. Ayaw niya sa akin dahil mahirap ako at anak ako ng dati niyang boyfriend. Mas lalo siyang makukumbinsi na pera lang ang habol ko sa iyo kung nag-resign ako sa trabaho." "Gusto ko lang naman na marami tayong oras para magkasama." "Naka-two weeks vacation ako ngayon. Sulitin natin ang mga araw na magkasama. Saka ako magre-resign kapag nagkaroon na tayo ng anak" Huminga siya ng malalim. "Okay, kung 'yan ang gusto mo." Ngumiti ako. "Salamat, naintindihan mo ako." "Wa

