"Ang sakit ng ulo ko!" Napahawak ako sa ulo nang magising ako. Napansin kong nasa ibang kuwarto ako. "Oo, nga pala, honeymoon namin ni Caleb ngayon." Tumayo ako para puntahan si Caleb sa banyo at gawin ang honeymoon namin kahit alas-otso nang umaga. Babawi ako sa kanya dahil nakatulog ako kagabi sa sobrang kalasingan. "Caleb!" tawag ko. Pagpasok ko sa banyo ay wala si Caleb. "Saan siya pumunta?" Bumalik ako sa kama namin. Napansin ko ang cellphone ko na may nakalagay na maliit na papel. Binasa ko ito. My wife, kumain ka ng almusal kapag nagising ka. Umalis ako kagabi dahil si Mommy, naaksidente.. Promise, babalik ako para ituloy natin ang honeymoon. I love you. Napawi ang ligaya na naramdaman ko dahil sa maikling sulat ni Caleb. Naaawa ako sa kanya dahil pinipilit niyang hatiin ang ka

