“See you tomorrow, good night, Sha.” “Good night, Oman.” Sabay putol ko ng tawag niya. Alas-dose na ng umaga bago namin naisipan na tapusin ang pinag-uusap namin. Masyado akong nag-enjoy kausap si Oman kaya napuyat na ako sa pakikipag-usap sa kanya. “Hays, excited na ako bukas.” Niyakap ko ang isang unan habang iniisip ko kung anong gagawin namin bukas. NAGISING ako ng alas-otso ng umaga para magluto ng pagkain ng amo ko. Tanghali na siya nagigising dahil lagi siyang puyat sa pagre-review at pinapasukan niyang ospital. Nagluto ako ng itlog, vegetable salad niya at nagtimpla ako ng black coffee. Nasanay na rin akong walang kanina sa umaga dahil na rin sa healthy diet ng amo ko. Pagdating sa pagkain ay masyado siyang maarte kaya minsan nahihirapan akong mag-isip ng kakainin niya. “G

