“Inday!” Umalingawngaw na sigaw ni Master Dugong sa labas ng kuwarto ko. “Hays! Kaasar!” Lumabas ako ng kuwarto na nakataas ang kanang kilay na nakatingin sa kanya. “Bakit, Master Dugong?” Pinag-krus niya ang dalawang kamay niya sa kanyang dibdib. “Kanina pa ako tawag nang tawag sa iyo.” “Natutulog ako istorbo ka naman.” Sabay Irap ko sa kanya. Halos patayin niya ako sa talim ng tingin niya sa akin. “Natutulog ka? Samantalang ang amo mo gising na gising.” “Kasalanan ko ba na hindi ka natulog?” Huminga siya ng malalim. “Magbihis ka.” “Mukha ba akong nakahubad sa paningin mo?” “Pilosopo ka ba talaga. Magbihis ka dahil pupunta tayo sa mansyon.” Napakamot ako sa ulo ko. “Yes, Master Dugong.” “Huwag mo akong tatawagin Dugong kapag nasa mansyon na tayo.” “Okay, Neil Andrew Sy,” pang-a

