MAAGA pa lang ay marami ng mga tao ang nakapila sa labas ng malaking stadium ng bayan ng Olivarez. Ngayon ang health community program na isinagawa ni Mayor Caleb. Hindi ko pa siya nakikita ng dumating kaya kampante ang loob ko. Dahil kami ni Shasha ang naka-assign para sa mga senior citizen kaya maaga pa lang ay sinimulan na namin kunin ang vital sign nila. Bukod sa libreng laboratory test, Ecg x-ray at pap smear para sa mga kababaihan may libre din silang mga gamot at vitamins. Sa mga batang lalaki naman ay libreng tuli. May mga libreng meriyanda rin kaya maraming pumunta. "Tay, hinga po kayo ng malalim," sabi ko. Sumunod naman ito pagkatapos ay tiningnan ko kung ilan ang blood pressure niya. "Jade, ang daming tao baka hindi tayo matapos ng maaga," wika ni Shasha. "Hindi ka pa ba nas

