"s**t! Sampung minuto na lang mahuhuli na ako." Binilisan ko ang paglalakad para makarating sa ospital kung saan ako pumapasok. Ngayong umaga pa naman kami magkakaroon ng meeting para i-assign bukas sa health community program. Halos lakad at takbo na ang ginagawa ko para lang hindi mahuli. Sobrang traffic kasi ngayon. Imbes na hindi pa ako bumaba ng sasakyan ay bumaba na ako dahil hindi na umuusad ang sasakyan. "Aray!" sigaw ko. Tumama ang puwit ko dahil binabangga ako ng tao na nakasalubong ko. Agad akong tumayo at pinagpag ang suot kong puting uniporme. "I'm sorry, nurse," boses ng lalaki 'yon. "Okay lang S—Sir!" Pakiramdam ko ay huminto ang mundo ko ng makilala ko ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Si Sir Caleb. Mabilis akong umiwas ng tingin pagkatapos ay tumakbo ako papasok

