ILANG-BESES akong nagpa-cute sa harap ng bago kong cellphone. Tinitingnan ko ang sarili ko dahil kapag nakaharap ako sa camera ay parang may magic. Nagiging makinis ako at maputi sa camera. Ang ganda rin ng mga kuha ko sa picture. Lahat na lang ay kinuhanan ko ng larawan. Hindi kasi ako makapaniwala na ang gaganda ng kuha sa mga larawan. "Jade!" Nilingon ko si Sir Caleb. "Yes, Sir Caleb?" Ang bait ko ngayon kay Sir Caleb dahil binigyan niya ako ng surprise birthday party noong nakaraang araw. May regalo pa siyang cellphone. Hindi ko na kailangan hanapin ang signal dahil malakas na. "Ikuha mo ako ng meryenda nagugutom na ako." Tumayo ako. "Yes, Sir!" Dumiretso na ako sa labas para kumuha ng meryenda niya. Sampung beses na yata akong nagpabalik-balik sa kuwarto niya dahil sa dami niya

