CALEB'S POV: NAGISING ako nang maramdaman kong may mabigat sa katawan ko. Nang lumingon ako ay nakita ko si Jade na mahimbing na natutulog. Nakabalot ang kumot ang buo niyang katawan. "Tsk! akala mo naman may gagawin akong masama sa kanya." Dahan-dahan kong inalis sa mukha niya ang kumot. "Kung hindi mo lang kamukha ang ex-girlfriend ko baka naging mabait ako sa 'yo." Napatakip ako ng mukha nang huminga siya. "Kadiri! ang baho ng hininga." Tumayo ako para maghilamos at mag-toothbrush. Hindi ko ginising si Jade dahil nag-iisip ako kung anong gagawin ko sa kanya habang tulog siya. "Ano kayang gagawin ko sa kanya?" Napansin ko ang ballpen sa ibabaw ng table ko. "Tanghali ka na magising." Imbes na ballpen ang gagamitin ko ay kinuha ko ang black marker pagkatapos ay lumapit ako sa kanya

