"Jade!" sigaw ni Sir Caleb. Gusto ko sanang magbibingi-bingihan pero siguradong imposibleng gawin 'yon. May gamit siyang megaphone habang tinatawag niya ako. Hindi lang rinig sa buong bahay, maririnig na rin yata sa kapitbahay. Nagpapadyak ako habang paakyat ng second floor. Imagine nasa kusina ako tinatawag pa talaga niya ako. "Bwiset!" Parang gusto kong bumalik na lang sa probinsya dahil mas magaan ang buhay ko. Bukas ang pinto ng kuwarto niya kaya pumasok agad ako. "Yes, Sir Caleb." Naka-de-kwatro siya habang nakaupo. "Dalhan mo ako ng malamig na tubig." Umikot ang eyeballs ko. "Shuta ka!" Kumunot ang ang noo niya. "Anong sinabi mo?" Bingi talalaga! "Sabi ko shuta ka!" "Anong ibig sabihin ng shuta ka?" Nakakunot ang noo niya. Nameywamg ako. "Lahat na lang ba ipapaliwanag

