Ang tamis ng ngiti ko habang binabagtas namin ang daan papunta sa hotel kung saan kami magha-honeymoon. Nakakatuwa dahil kahit may laman ng bata sa tiyan ko ay gusto pa rin ni Caleb na magkaroon kami ng honeymoon. "Are you okay?" tanong niya sa akin. Magkayakap kaming dalawa dahil hinatid naman kami ng driver. Tumango ako. "Caleb, baka hindi ko na kaya makipag-wrestling," pabulong ko. Nahihiya akong marinig ng driver ang sinasabi ko. Hinaplos niya ang buhok ko. "Wala kang dapat ikahiya. Jade, dalawang beses na tayong kinasal kaya hindi ka dapat nahihiya sa akin. Siniksik ko ang mukha ko sa dibdib ko. Ewan ko ba, kapag kasama ko si Caleb nagiging isip bata ako. Parang gusto kong lagi niya akong kinakausap. "I love you." "I love you too." Pinikit ko ang mga mata ko habang nararamdam

