CALEB'S POV PAGLABAS ko ng ospital nakita kong nagkakagulo sa may parking area. Bigla akong kinabahan kaya tumakbo ako papunta sa kotse. "Jade! Mommy!" Nakita kong nasa harap ng kotse ko ang mga pulis at security guard at ibang tao. Nakita ko si mommy na inalalayan ng isang pulis. "Mommy!" Lumapit ako sa kanya at pumasok sa loob para tingnan si Jade. Umiyak ng malakas si Mommy. "Anak, si Jade, dinukot ng dalawang lalaki!" "Ano!" Parang gusto ko ng umiyak sa sinabi ni mommy. Muling umiyak si Mommy. "Kinidnap siya ng mga lalaki. Hinampas nila ako ng baril at si Jade ang dinukot." "Si Jade!" Tumulo ang luha ko sa labis na pag-alala." "A-Anak, patawad mo ako, hindi ko siya nailigtas. Nawalan ako ng malay ng hampasin ako ng lalaki." Niyakap ko si mommy. "It's okay." Kinausap ko an

