MADAM'S POV DESIDIDO si Mayor Caleb na idemanda ka Mrs Chua," wika ni Atty. Silva." Kuyom ang kamao sa galit. "Bwisit talaga ang bata 'yon. Nagmana talaga siya sa daddy niya. Kahit kailan hindi niya ako pinili." "Malakas ang ebidensya nila mahirap makalusot." Matalim kong tinitigan ang abogado ko. "Sinasabi mo ba na matatalo tayo?" "Puwede tayong gumawa ng kuwento para maging dahila kaya nagawan mo ang gano'n pero hindi ko maipapangako sa iyo na mananalo tayo." "Ano bang dapat kong gawin? Ayokong makulong." "Mrs. Chua, kung ako sa inyo ay makipagbati ka na lang sa anak mo para matapos na ito." "No way!" Nagkibit-balikat siya. "Okay, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko sa huli." Tumingin ako sa labas ng bintana. Hindi ko matatanggap si Jade na maging manugang. Ayokong mahaluan

