PARA akong nabunutan ng tinik pagkatapos kong mag-exam para sa license nurse. Ito ang kailangan ko para matawag ko ang sarili ko na nurse. Gusto ko talagang magtrabaho sa pampublikong ospital para makatulong sa mga taong may sakit. “Shasha!” Huminto ako at lumingon nang marinig ko na tinatawag ako ni Francia. Si Francia ang naging kaibigan ko sa review center. Ang mga dati kong kaklase ay mga nurse na ngayon dahil nakapag-exam agad sila pagkatapos ng graduation. Kinailangan ko muna kasing magtrabaho para makaipon sa gagastusin sa pagre-review kaya ngayon lang ako nakapag-exam. "Bakit?" tanong ko sa kanya. "May gagawin ka ba mamaya?" "Wala pahinga na muna napagod ako sa pagre-review para sa license exam natin kaya gusto ko munang matulog sa boarding house." "Ano ka ba? Hindi ka dapat

