"Jade, bakit nandito ka?" Lumapit sa akin si Leo at tumabi sa inupuan ko. Nasa maliit na kubo kami sa bahay ng kaibigan ni Ma'am Angelita. "Ikaw pala, Leo." Ngumiti ako sa kanya. "Bakit hindi ka pumasok sa loob ng bahay malamig dito." "Okay lang ako, gusto kong lang pagmasdan ang maliwanag na buwan." "Hmm.. alam mo noong bata ako kapag bilog ang buwan takot na takot ako. Ang sabi ng nanay ko may aswang na pupunta sa bahay namin at kukunin ako," saad ni Leo. Tumawa ako. "Sinabi rin niya ng nanay ko kaya hindi na kami lumalabas kapag madilim." "Gano'n siguro talaga mga nanay noon." Tumango ako. "Okay lang, masaya naman kahit lagi kaming nasa bahay." "Ah... Jade, may boyfriend ka ba?" Umiling ako. "Wala at ayoko." "Bakit naman? Sayang naman kung hindi ka magkakaroon ng boyfriend?"

