NAKASIMANGOT ako habang pinapanood ko si Sir Caleb na naliligo sa pool. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako maka-move on sa sinabi niya sa akin. Ayoko sanang sumama sa kanya Manila pero wala naman akong magagawa kung hindi ang sumunod sa kanya. “Jade!” Lumingon ako. “Bakit Sir Caleb?” “Lumapit ka sa ‘kin.” “Ayoko! Mababasa ako kung lalapit ako sa ‘yo.” “Maligo ka na samahan mo ako.” Napakamot ako sa ulo ko. Maaga akong naligo kanina. Ayoko sanang maligo ulit dahil dagdag na naman ng maruming damit ko. Ang hirap pa naman maglaba ng mano-mano. Hindi kasi ako marunong maglaba sa automatic washing machine. “Anong tinatayo mo diyan?” irita niyang saad. “Opo!” Lumapit ako sa kanya at dahan-dahan akong lumusong sa tubig. Ang lamig ng tubig sa pool kaya napayakayap ako sa katawan ko. “

