SOBRANG excited ko ngayong araw dahil pupunta kami sa probinsya para surpresahin si Nanay. Bukas pa ang birthday niya pero ngayon na kami uuwi para ihanda ng supresa sa kanya. Alas kuwatro pa lang ng madaling araw nagising ako para paghandaan ang araw na ito. "Magandang umaga!" sabi ko ng pumunta ako sa kusina. Gising na si Linda at Manang Susie. Naghahanda sila ng almusal. "Oh, bakit maaga kang gumising?" "Pupunta kami ni Sir Caleb sa probinsya ngayon," sagot ko. "Ang bait talaga ni Sir Caleb sa 'yo." Nakangiting saad ni Linda. "Hmm… sige mabait na siya ngayon dahil pupunta kami sa probinsya." "Bakit hindi ba siya araw-araw mabait?" "Isipin mo magpabalik-balik kang umakyat at bumaba sa araw-araw ewan ko lang kung mabait pa sa iyo." "Kaya pala hindi ka tumataba." Tumango ako at

