CHAPTER TEN

1627 Words

NAPAKUNOT-NOO si Colt nang makitang tulog pa rin si Lily sa sofa ng living room. Nagtaka siya dahil sa mahigit isang linggo na nitong pananatili sa kanyang bachelor’s pad ay ngayon lang ito na-late ng gising. Nitong mga nakaraang araw ay pinagliban muna niya ang pagjo-jogging gawa nga ng injury niya sa kamay kaya alas siete na siya ng umaga gumigising. At sa ganoong oras ay nakapaglinis at nakapagluto na si Lily ng almusal. Simula nang kunin niya si Lily bilang maid ay aminado siyang nagkaroon ng buhay ang kanyang pad. Hinayaan na niya itong galawin ang kanyang mga gamit at lagi itong nagpapatutog ng masasayang music partikular OPM novelty songs. Hindi nga niya namamalayan na pati siya ay nag-e-enjoy na rin sa pakikinig. Masarap din itong magluto. Nagugulat nga siya sa kanyang sarili dah

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD