HINDI akalain ni Lily na mamalengke siyang may bandage sa kilay. Gusto pa sana siyang itakbo ni Colt sa hospital kahapon pero tumanggi siya. Maliit lang naman ang sugat at kaagad nawala ang pagdurugo nang gamutin na. Saka sisiw lang ang sugat na iyon kumpara sa mga natamo niyang pambubugbog dahil sa mga modus niya. Hindi rin siya nakaramdam ng sakit kahapon dahil lutang ang utak niya sa pinagsaluhan nilang halik ng binata. Tinanggap naman niya ang paghingi ng sorry ni Colt sa kanya. Ito rin ang gumamot sa sugat niya. Parang hinaplos pa nga ng kung anong malamig na bagay ang puso niya dahil sa unang pagkakataon ay may lalaking naging masuyo sa kanya. Buong ingat nitong nilalagyan ng betadine ang kanyang sugat. Sinamantala na lang niya ang pagkakataon na nakalabas siya para puntahan sa hos