NAPABALIKWAS nang bangon si Colt. Ibig niyang magtaka kung bakit nasa theater room siya at wala sa sariling kwarto. Nakabukas pa ang malaking TV. Napatingin siya sa relong pambisig at nasapo niya ang sintdo nang makita kung anong oras na. Alas onse. Iyon ang unang pagkakataon na tinanghali siya ng gising. Karaniwan kasi kahit anong puyat niya ay nagigising pa rin siya ng alas kwatro ng madaling araw para makapag-exercise muna bago pumasok sa opisina. Matutulog na lang sana sila kagabi nang bumangon si Lily. Hinila siya. Gusto raw muna nitong manood ng pelikula dahil hindi ito makatulog. Sinamahan niya ito. Alam niya na inaaliw lang nito ang sarili para hindi maisip ang ina nito. Kumuha ito ng wine. Uminom daw muna siya para hindi mabagot sa pinapanood nila. Paano ba naman kasi romantic