“TOTOO ang sinasabi ko, Sweetheart. May girlfriend na fairy si Carter. Hindi siya nababaliw o naka-drugs. Nasaksihan mismo ng mga mata ko kung paano mag magic ang girlfriend niya,” sabi ni Lily. Umiling si Colt habang naka-focus sa pagmamaneho. “Siguradong namamalikmata ka lang.” “Bakit ayaw mong maniwala? Sige nga, paano mo mapapaliwanag na nakasuot siya ng tinkerbell costume, tapos sobrang haba ng buhok niya na umabot hanggang tuhod, kulay pink at blue pa. Imposible na nakabihis siya kaagad sa isang iglap lang. Imagine, three seconds lang ng lumabas si Donna. Tinanong ko pa siya kung nakita niyang nagbihis ang girlfriend ni Carter, sabi niya hindi raw. Paano mo iyon maipapaliwanag?” “Sweetheart, hindi totoo ang mga fairy.” Humalukipkip si Lily. “Siguro iniisip mo na pareho na kam