NAGTATAKA si Lily sa naging reaksyon ni Carter kaya mula sa pinto ng kwarto nito ay sumilip siya. Nakita niya ang pagpapasok ng may kailinitan ngunit napakagandang babae. Sa tantiya niya ay lumagpas lang ito ng konti sa five feet. Hanggang baba lang ito ni Carter. Balingkinitan. May katawan at kaputian na tulad sa mga nakikita niyang Chinese o Korean na bida sa isang drama. Napakahaba ng alon-alon na buhok nito na malapit ng umabot sa likod ng tuhod nito. Nakakamangha ang kulay pink, gray at blue na buhok nito. Tila na natural na natural at hindi yari sa kung anong produktong kemikal. Walang sapin sa paa ang babae. Nakapaa lang. Mahahalintulad ang suot nito sa pamosong fairy na si Tinkerbell. Magkaiba lang ang kulay dahil aqua blue naman ang suot nito. Saang children’s party kaya ito nan