CHAPTER SEVEN

2032 Words
 “ALAGAAN mo si Mama, a? Huwag mong pabayaan.” Paulit-ulit na bilin ni Lily kay Rina. Kausap niya ito sa cellphone. Pang-apat na tawag na yata niya iyon sa loob lang ng isang araw. Nadagdagan na naman kasi ang problema niya. Hindi makakilos ng mag-isa si Colt dahil sa sinementong braso kaya kailangan niyang  maging stay-in maid para rito. Doon muna siya sa Bachelor’s pad nito hangga’t hindi pa ito gumagaling. Ang konsuelo niya ay at least bibigyan siya nito ng sweld. Iyon nga lang, kailangan niyang tiisin na hindi makita o maalagaan ang kanyang ina sa loob ng ilang araw. May tiwala na naman siya kay Rina. Isa pa, hindi ito nag-iisa sa pag-aalaga sa kanyang ina dahil magiging katuwang nito ang mga madre sa kumbento na magsasalit-salitan sa pagbabantay sa kanyang ina. Nakiusap kasi siya sa mga ito na tulungan si Rina dahil iba pa rin kapag matanda na ang nagbabantay. Sa kabila ng mga hindi magandang nangyari sa buhay niya tulad nang lumaki siya na walang ama at na-comatose pa ang kanyang ina ay maraming bagay pa rin siya na dapat ipagpasalamat dahil maraming nagmamahal at sumusuporta sa kanya tulad ng mga madre at mga kapitbahay niya na laging nag-aambagan ng pera para ibigay sa kanya – makatulong sa lahat ng gastusin sa hospital. Napatingin siya kay Colt na nakaupo sa sofa at kasalukuyang nagbabasa ng mga papeles habang may nakabukas na laptop sa harap nito. Nakakunot-noo ito na tila ba masusing pinag-aaralan ang hawak na papeles. Hindi mapigilan ni Lily ang mapangiti dahil may nalaglag sa noo nito na ilang hibla sa naka-brush up na buhok kaya nagmumukha itong si Superaman lalo’t may suot din itong reading glass.  “Lily, ipagtimpla mo muna ako nang kape.” Utos ni Colt na hindi tumitingin sa kanya. Pinatay niya ang vacuum cleaner pero hindi siya sumagot. “Lily.” Hindi pa rin siya tumitinag. Hinihintay niya na magsabi ito ng ‘please’. “Naririnig mo ba ang utos ko?!” Lumingon ito sa kanya. Tumaas na ang boses. “Naririnig kita pero. . .” Nevermind! Oo nga pala, nakalimutan niya na isa lang pala siyang alila. “Okay! Black coffee with no sugar is coming!” Masigla lang ang boses pero ang totoo ay lihim na nakatirik ang mata niya. Fast learner siya kaya alam na niya kung paano paandarin ang high tech na electric stove. Nilagyan niya ng distilled water ang takuri – hindi raw kasi umiinom o gumagamit ng regular na tubig ang royal highness. Isinalang na sa electric stove. Nang kumulo ay nagtimpla na siya ng kape. “Ito na po, Sir.” Hindi pa rin ito nagtataas ng tingin kahit inilapag na niya sa end table nito ang platito na pinapatungan niya ng mug. Pumipindot ito sa laptop na nasa kandungan nito gamit lamang ang isang kamay. “Ayan ka na namn sa Sir mo.” “Mas gusto kong Sir ang tawag sa iyo.” Sinalubong niya ang titig nito nang magtaas ito ng tingin. “Ayokong tawagin sa pangalan lang ang amo ko.” Mas mabuti nang malinaw na langit ito at lupa lang siya. “Okay, kung iyan ang gusto mo.” “May iba ka pa bang maipag-uutos, Sir?” “Wala na, maglinis ka na.” Tatalikod na lang sana siya nang may maalala. “Teka lang, Sir.  Kumakain ka ba?” “Of course.” “Paano?” “What do you mean?” Naguluhan si Colt. “Wala kasi akong nakikita na kahit anong stocks ng pagkain sa ref mo.” “I order foods or I ate at the restaurant.” “Unhealthy pala lifestyle mo, Sir. Hayaan mo, habang nandito ako ipagluluto kita nang masarap at masustansyang ulam. Magaling po akong magluto.” Pagmamalaki niya. “Thank you Lily.” At least marunong pala magpasalamat. “Basta bigyan niyo lang po ako ng  pamelengke tapos ako na po ang bahala.” “Later. Tatapusin ko lang ito,” sagot ni Colt. “Sige po.” Bumalik na siya sa paglilinis. Nang matapos sa sahig ay pagpupunas naman sa industrial shelves ang ginawa niya. Maingat ang naging kilos niya dahil sa takot na baka makabasag siya sa isa mga koleksyon nito ng mga laruan. Pinaalalahan siya nito kanina na nagkakahalaga raw ng milyon ang isang anime figure nito. Sa sulok ng mata niya ay nakita niya si Colt. Pumunta sa banyo. Dumaan lang marahil ang dalawang minuto nang marinig niyang sumigaw ito sa loob kaya mabilis niya itong kinatok doon. “Sir Colt, okay lang po ba kayo diyan?” Bumukas ang pinto ng banyo. Iniluwa ito doon na basang-basa ang itaas na parte ng katawan. Mabuti na lang at naprotektahan yata nito ang sinementong braso dahil iyon lang ang hindi nabasa. Nang sumilip siya sa loob ay nakita niya na sumisirit ang tubig sa bath sink na galing sa nasirang faucet kaya mabilis niyang sinarado ang pinto. “Sir, magbihis ka na po. Ako na ang bahala.” Kumuha siya ng flies sa storage room. Pagkatapos ay pumasok sa banyo.  Hindi na niya ininda kung nabasa man ang buong katawan niya basta mapatigil lang niya ang pagsagawak ng tubig. Mabuti na lang at hindi naman siya nahirapan  sa pagpihit nang faucets handle gamit ang plies. Napahinto kaagad niya ang tubig.  “Thank you, Li – “ sabi ni Colt na natigilan nang lumabas na siya ng banyo. Napakunot-noo siya sa reaksyon nito. Laglag ang panga nito habang nakatingin sa kanyang katawan kaya napayuko siya para tingnan ang sarili. Napahumindig siya nang makitang halos lantad na ang kaluluwa niya dahil bumakat ang nabasang T-Shirt sa katawan niya. May kalumaan pa naman iyon at halos mabura na ang nakaimprentang mukha ng pulitiko. Nataranta siya na kaagad naghanap nang pwedeng ipangtakip sa sarili. Tumakbo siya papunta sa kusina dahil iyon ang pinakamalapit. Kinuha niya ang apron at sinuot para matakpan ang katawan. Nakakahiya! Nahiling niya na sana sa mga oras na iyon ay lamunan na lang siya ng lupa dahil suot pa naman niya ang Hello Kitty na bra na pinakamurang nabili niya sa bangketa. Si Colt naman ay pumasok sa loob ng kwarto nito kaya nabigyan siya nang pagkakataon na pumunta sa cabinet kung saan nakalagay ang mga damit niya. Nag-iisa lang kasi ang kwarto sa bachelor’s pad na iyon ni Colt kaya pumayag siya na sofa lang matutulog tuwing gabi at ang cabinet na iyon ang nagsisilbing aparador niya. Sa banyo na lang siya magbibihis dahil wala naman siya sariling kwarto. Eksaktong nakakuha na siya ng damit at tuwalya nang lumabas si Colt sa kwarto nito. Nakabihis na ito ng brown cardigan short habang walang suot sa pang-itaas maliban sa tuwalyang nakasaklob sa balikat nito. Ngunit hindi pa rin sapat iyon para matakpan nito ang sarili dahil nakikita pa rin niya ang matipunong dibdib nito at impis na tiyan walang anumang bahid na taba. Hindi niya ito kayang titigan nang lumapit sa kanya. “Thank you, Lily.” “Walang anuman po. Sige, magbibihis lang ako sa banyo. Tapos magma-mop po ulit ako ng sahig.” “Lily, wait.” Lumingon siya rito at nakita niyang nakatingin ito sa hawak niyang damit at lumang tuwalya na nagkulay kalawang na dahil nag-fade na ang original na kulay. Puro himulmol na rin iyon. “Wait here,” sabi nito na muling pumasok sa kwarto nito. Wala pa yatang limang minutos ay lumabas na ito doon bitbit ang tuwalya at isang shirt. “Iyan na ang gamitin mo.” “Salamat, Sir.” “Suotin mo na rin iyang shirt ko, sa laki niyan ay para ka na rin nakabisteda. Mas maigi na iyan kesa sa lagi mong suot na shirt na pa-give away ng politiko at gasoline station.” “T-thank you.” “Hayaan mo, bukas na bukas din ay sasamahan kita sa pag-grocery at para mabili na rin kita ng damit.” “Naku! Huwag na po!” “No. Lily, Ayaw ko na may tumatanggi sa akin lalo’t minsan lang ako maging mabait.” “Kung ganoon salamat po ulit.” Pumunta na siya sa banyo na ingat sa paghakbang dahil basa ang sahig. Na-drain na ang tubig doon. Nagbihis siya. Tama si Colt nang sabihin na magmumukhang bisteda ang T-shirt kapag naisuot na niya. Malapit na iyon lumagpas sa kanyang tuhod pero magpagayon pa ay nagsuot pa rin siya ng short. Nang lumabas siya ng banyo ay nakita niyang bumalik na sa kaninang pwesto si Colt. Nakatutok na ulit ito sa mga papeles. Kumuha siya ng plastic sa kusina at isinilid doon ang kanyang basang damit. Pagkatapos ay inilagay sa ibaba ng lababo. Balak niya iyon laghan mamaya. Kaunti lang kasi ang dala niyang damit kaya maglalaba na lang siya araw-araw. Nagsuklay lang siya ng buhok at pagkatapos ay nagsimula ng mag-mop ng sahig. “Lily.” Tawag na naman sa kanya ni Colt. Lumapit siya rito. “Ano ‘yun, Sir?” “Ano ang gusto mong kainin? Mamili ka dito.” Inabot nito sa kanya ang cellphone nito na may kagat ng mansanas ang brand. Nasa screen ang iba't-ibang pagkain. “Kahit ano po.” “Okay na ba sa iyo ang seafood laksa pasta at butter roast chicken?” “Sige po, Sir.” Tumango siya kahit hindi niya alam kung anong klaseng pagkain ang mga binanggit nito. Sanay kasi siya sa mga ordinaryong pagkain sa karinderya at kung magluluto man siya ay pinakabongga na ang adobo at sinigang. “Alright, our order will be here in thirty minutes.” Tumango siya. Pero hindi siya kaagad umalis sa harap nito. “Yes, Lily?” “S-sir, hindi ka ba nilalamig? Malakas ang aircon tapos wala ka pang suot na t-shirt?” “Sanay na ako.” “Pero k-kasi hindi ako s-sanay na may makitang nakahubad na lalaki sa harap ko,” nauutal niyang sabi. “Eh ‘di huwag kang humarap. Tumalikod ka.” Pilosopo! “Kasi . . .” “Okay, I get it.” Tumayo ito. At pumunta sa kwarto nito. Wala pa yata isang minuto an dumaan ay lumabas ito doon. Ganoon pa rin, hubad pa rin sa pang-itaas ngnit may bitbit ng T-shirt. “Lily, will you help me wear this shirt?” “Huh?!” “Nahihirapan kasi akong isuot.” Wala na siyang magawa nang hinagis na nito sa kanya ang T-shirt. Nanginginig ang kamay na sinuot niya ang t-shirt sa leeg nito. Kumakabog ng husto ang kanyang dibdib dahil kay lapit nila sa isa’-isa at kahit hindi siya tumintingin sa mata nito ay pakiramdaman niya ay titig na titig ito sa kanya. Mabuti na lang at stretchable ang naturang t-shirt kaya mabilis lang niya naisuot kahit sa nakasementong braso nito. Pero nang ibaba na niya ang shirt ay hindi sinasadyang sumayad ang daliri niya sa matipunong dibdib nito at ganoon na lang ang panlalaki ng mata niya at napaatras siya nang maramdamdaman na tila nakuryente siya ng libong boltahe. Patlang. Namayani ang katahimikan sa pagitan nila. Sa tingin niya ay naramdaman din ni Colt ang kuryenteng iyon dahil pareho sila na hindi makahuma. “Lily. . .” anas nito habang titig na titig sa kanya. Hinaplos siya sa pisngi. “S-sir.” May nag-doorbell. Napaungol ito sa inis habang nakahawak sa batok. “W-wait lang po, Sir. May bisita ka po yata.” “Tanungin mo muna kung sino. Kapag Carter, Connor o Corbin ang pangalan, huwag mong papasukin.” “Sino po sila?” “Basta.” Tinungo na niya ang pinto. Nakita niya sa monitor screen na babae ang nasa labas kaya agad niyang binuksan. “Where’s Colt?” tanong ng babae na tinabig siya at nagtuloy-tuloy sa loob. “Oh! Colt, nadito ka lang pala.” “Kendra.” Nakita niya na tinulak nito ang babae nang tumingkayad para halakihan sana ito. “What’s wrong, Colt?” inis na tanong ng seksi at sopistikadang babae. “Get out of this place!” “Pero hindi mo ba ako na-miss?” “Shut up, Kendra? Hindi mo ba nakikita? I’m with my fiancee!” Pagkasabing iyon ni Colt ay lumapit ito sa kanya at inakbayan siya. Huh? Fiancee?!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD