SISIW! Napangiti si Lily nang makitang kumikintab na sa linis ang bachelor’s pad ni Colt Ventura. Hindi naman pala siya lugi sa kasunduan nila dahil kailangan lang naman niyang linisin ang pad na iyon pagkatapos ay pwede na siyang umalis.
Isang oras at kalahati nga lang ay tapos na siya. Hinihintay na lang niyang dumating si Colt mula sa pagjo-jogging para makapagpaalam na.
Sumalampak siya sa sahig. Nag-indian sit habang nakasandal sa glass wall. Inilabas niya ang maliit na notepad at ballpen. Ngayon pa lang ay kailangan na niyang i-organize ang mga gagawin sa araw-araw.
Kailangan niyang magpa-alarm ng alas-kwatro ng madaling araw dahil napagkasunduan nila ni Colt na kailangan nandoon na siya sa pad nito ng alas singko o ‘di kaya ay alas-sais ng umaga. Pabor sa kanya na mag-umpisa ng maaga para makakahanap pa siya ng ibang diskarte sa araw at magkakaroon pa siya ng maraming oras sa pagbabantay sa kanyang ina.
Inilista na rin niya ang mga rules na ibinigay ni Colt. Maraming bawal. Tulad ng bawal siyang pumasok sa kwarto nito, kung lilinisin daw niya ay kailangan nandoon din ito para mabantayan siya. Bawal magbukas ng kung anong appliances. At kung iinom daw siya ng tubig o juice ay kailangan na ang separate na baso na para lang sa kanya ang gagamitin niya.
Sa totoo lang ay nainsulto siya sa huling rules . Ano ang palagay nito sa kanya may nakakadiring sakit? Hindi na lang niya isinatinig ang inis at sa halip ay inisip na lang niya na may disorder ito. Hindi niya mahanap ang tamang term. Basta sakit ng mga sobrang istrikto.
Nalula siya sa yaman ni Colt. Mga elitistang tao lang kasi ang may kakayahan na tumira sa skycraper building na iyon. Sa katunayan ay nagmumukhang unano ang mga katabing buildings. Hindi nga siya makapaniwala na makakaapak ang paa niya sa ganoong klaseng lugar. Kung lilingon nga siya ay makikita niya ang buong siyudad sa labas ng glass wall na iyon. Ayon sa nalaman niya ay isa lang iyon sa mga bahay o assets ni Colt dahil nagmamay-ari pa raw ito ng mansyon at ilang Condominium.
Elegante ang interior design ng Bachelor’s pad nito. Napaka-masculine ng dark colored wall. May mini bar at home theater. Napakalaki ng T.V na sakop yata ang buong dingding. Malaki rin ang industrial shelves nito kung saan nakalagay ang koleksyon nito ng mga mamahaling Marvel at anime figures. May coffee table na nakaharap sa glass wall at sa tabi ay may treadmill machine.
Matapos mailista ang lahat ay inilagay niya ulit sa bulsa ng apron ang notepad at ballpen. Tuloy-tuloy siya sa kusina. Balak niyang magluto ng agahan para sa mahal na hari. Sa palagay naman niya ay hindi nito mamasamain ang pangingialam niya sa ref nito dahil para naman sa ikabubusog nito ang gagawin niya.
Ngunit napakamot siya ng ulo nang pagbukas ng ref ay puro beer in can at enegrgy drink ang nakita niya. Ni walang isang itlog o sibuyas man lang na naligaw doon.
Iling-iling na bumalik na lang siya sa living room. Umupo siya sa sofa na paharap sa malaking portrait nito. Ginawa yata ang painting na iyon noong kabataan nito dahil ang boyish pa ng ngiti nito, malayo sa maawtoridad at supldong mukha nito ngayon. Pero infairness, si Colt ang patunay na nag-e-exist sa mundo ang lalakeng makalaglag panty sa kagwapuhan. Makapal ang kilay nito, may matangos na ilong at may labi na tila nangangako ng kaligayahan. Higit na kapansin-pansin ang malungkot na mga mata nito na pilit lang nitong tinatago sa pamamagitan ng seryosong mukha.
Sige! Aaminin na niya, na-love at first siya noon kay Colt. Pero mulat siya sa katotohanan na napakalayo ng agwat nila sa lipunan. Kung baga, hari ito at siya naman ay isang dukha lang. Alam niyang wala siyang pag-asa rito dahil siguradong napapalibutan ito ng higit na mas maganda at seksing babae na kauri rin nito. Kaya dapat na niyang putulin kaagad ang nararamdaman bago pa lumalim. Doon na lang siya sa matatandang mayaman dahil patok ang beauty niya sa mga ito.
Narinig niya na tumunog ang electronic door kaya kaagad siyang tumayo. Iniluwa doon si Colt na naka-jogging outfit. Nakasaklob pa sa ulo nito ang hood ng jacket. Kahit pawisan ito ay kay gwapo pa in nitong tingnan.
“Good morning po, Mr. Kamaha – este – Mr. Ventura.”
“Just call me Colt. Hindi ba napag-usapan na natin iyan?” Dumeretso ito sa ref. Kumuha ng bottled water at uminom.
“Tapos na akong maglinis.”
“Good,” anitong hinubad ang jacket kasama na ang suot nito na panloob na sando.
Napasinghap siya nang malantad sa paningin niya ang kakisigan nito. Hindi niya tuloy alam kung pipikit siya o titigan ito dahil biyaya rin iyon. Sa huli ay iniwas na lang niya ang paningin dahil pakiramdam niya ay nanuyo ang lalamunan niya.
Pumasok ito sa kwarto nito. Nagtagal ito doon at paglabas ay basa na ang buhok at naka-suot na lang ng roba. At para naman may bumara sa lalamunan niya na hirap siya sa paglunok dahil sumisilip ang matipuno nitong dibdib sa suot na roba.
May iba pa kaya itong suot sa loob ng roba nito?
Parang torture na dumaan pa ito sa mismong harapan niya kaya nalanghap niya ang bath soap nito na sigurado siyang hindi safeguard o kung anong pang produktong sabon na makikita sa grocery store.
“Ipatimpla mo ako ng kape, Lily. Black coffee with no sugar.” Utos nito na naka-dekwatro ng nakaupo sa harap ng coffe table nito pagkatapos ay nagbasa na ito ng news paper.
Tumalima siya. Pumunta sa kusina. Kaagad nahanap kung saan nakalagay ang kape dahil maayos na nakahilera sa kitchen counter ang mga jar na may pangalan kung ano ang laman. Ang problema wala siyang mahanap na gas stove doon.
Saan siya makakapag-init ng tubig sa takuri?
“Malamig na kape ba ang iniinom niya?” tanong niya sa sarili.
Kamot-kamot ng ulo na binuksan niya ang mga cabinet. Pati na ang sa ilalim ng kitchen counter.
“Bakit ang tagal mo?” tanong ni Colt na lumapit sa kanya.
“Hindi ko alam kung saan iinitin ang tubig.”
Pinatabi siya nito. Sa gulat niya ay may pinindot ito sa tabi ng kitchen counter na akala niya ay table, iyon pala ay isang electric stove. Ito na mismo ang naglagay ng takuri nang lumabas ang pabilog na kulay blue doon.
“Pindutin mo lang ito kapag kumulo na ang tubig,” Bilin nito na tinuro ang off sign. Pagkatabos ay bumalik na ito sa coffee table.
Nang lapitan niya ito ay dala na niya ang tinimplang kape. “Ito na po, Sir Colt,” aniyang inilapag sa harap nito ang mug.
“Just Colt.”
“Okay po.”
Pigil niya ang hininga nang pagkatapos nitong sumimsim ng kape ay natigilan ito. Nag-aalala siya na baka napasobra ang nilagay niyang kape.
“Masarap. Tama lang ang pait.”
Saka pa lang siya nakahinga ng maluwag. “Thank you. Siya nga pala, Colt, tapos na ako maglinis.”
“Napunasan mo ba ang mga salamin?”
“Yes po, napunasan ko na ang mga estante na salamin.”
“Ang salamin na dingding ang ibig kong sabihin.”
“Ha?!” Gulat siya. Malaki at mataas ang glass wall. Tiyak mahihirapan siya.
“Punasan mo ang sa loob dahil matagal na iyan na hindi nalilinisan.”
Wala naman siyang nakikitang duim o alikabok sa glass wall. Pero may magagawa ba siya, e ang royal highness na nag utos sa kanya?
“Paano ko maabot ang pinakataas?”
“Use a ladder.” Tinuro nito ang maliit na pinto. “Nandiyan ang lahat ng kailangan mo.”
Nakasimangot na pinuntahan niya ang tinuro nitong pinto. Storage room iyon. Una niyang kinuha ang spray na nilagyan niya ng tubig at sabon. Pagkatapos ay bumalik siya upang kunin naman ang malinis na basahan at ang extendable na hagdan.
Hirap na hirap siya sa pagpasan ng hagdan ngunit hindi man lang siya tinulungan ng royal highness sapagkat tutok na tutok ito sa binabasang news paper.
Umakyat na siya . Kahit may harang na salamin ay lulang-lula pa rin siya. Hindi niya kayang tumingin sa ilalim. Ingat na ingat din siya sa mga kilos dahil sa takot na baka mabasag ang salamin. Nasa 15th floor kasi ang bachelor’s pad na iyon.
Inuna niya ang pinakamataas. Nagkakandahaba ang nguso niya sa pag-spray at pagpupunas. Nang matapos ay bumababa siya para ilipat sana ang hagdan nang magsalita si Colt.
“Ulitin mo. Hindi pa gaanong malinis.”
“Okay naman, a?” angal niya.
“I’m not satisfied," anito. "Don't worry, matibay ang salamin na iyan. Hindi mababasag kahit hampasin mo ng tubo kaya huwag kang matakot,” anito.
“Okay po.” Padabog siya na umakyat ulit. Gigil niyang pinunasan ang salamin dahil in-imagine niya na nakadikit doon ang mukha ni Colt at gusto niyang burahin.
“What are you doing?” tanong nito nang mapansin ang ginagawa niya.
“Wala. Nagko-contrate lang ako sa pagpupunas.”
“No. I saw you making face.”
“Hindi po ako nakasimangot.” Alibi niya.
“Okay, tapusin mo na iyang ginagawa mo. Then you can go.”
Bumalik si Lily sa ginagawa. Sa pagkakataong iyon ay sinigurado niya na pati alikabok ay mahihiyang dumapo sa sobrang linis ng salamin.
“Okay na po ba ito?”
Nagtaas ng tingin si Colt mula sa pagbabasa. Tumango ito. “Yes. Pwede ka ng umalis.”
“Salamat,” sabi niyang nagsimula ng bumababa. Nasa huling baitang na siya nang mapatili ng malakas dahil tumapyas ang paa niya. Nahulog siya at nang bumagsak sa sahig ay nasipa pa niya ang hagdan.
Pinikit na lang niya ang mata at pinrotektahan ang ulo nang makita niyang mababagsakan siya ng hagdan. Ngunit dumaan ang ilang sandali na walang nangyari kaya napamulat siya ng mata.
Gulat siya nang makita na sinalo ni Colt ang hagdan gamit lang ang isang braso nito. Hindi niya akalain na ganoon ito kalakas at kaliksi. Saka paano nito natawid ang distansya nila nang ganoon kabilis?
“He. . . help,” hirap na sabi nito.
Noon lang niya napansin ang naglabasan ang mga ugat nito sa leeg at braso. Namumula rin ng husto ang mukha nito. Ilang sandali pa ay napahiyaw ito kaya dali-dali niyang pinatayo ang hagdan. Napaluhod ito. Hawak ang nasaktang braso.
Agad niya itong dinaluhan. Taranta na hinawakan niya ang braso nito na ikinakislot niya dahil muli itong napahiyaw.
“M-masakit ba?” Naiintindihan ni Lily kung bakit ito namilipit sa sakit dahil mabigat nga ang hagdan at para rin nitong binuhat gamit lang ang isang braso. Idagdag pa ang impact noon.
“Sorry kung dahil sa akin, napahamak ka! Dadalhan na ba kita sa hospital?”
“No. Don’t touch me!” Pumikit si Colt. Napabuga ng hangin na tila ba pinapakalma ang sarili. Mabilis ang paghinga nito at pawisan.
“C-Colt. . .” Natulala siya. Takot na takot nang mapansin na nag-deform ang braso nito. Ibig sabihin na-fractured talaga. “Dadalhin kita sa hospital!”