CHAPTER FIVE

1774 Words
PINULOT ni Lily ang mga pera na binato sa kanya. Wala siyang ibang mapagpipilian kundi gawin ang bagay na iyon kahit kapalit man ay pagkayurak ng dignidad niya. Wala siyang pakialam kung ano man ang tingin sa kanya ng mga taong naroroon. Basta alam niya sa sarili niya na malinis ang budhi niya at wala siyang ginagawang masama. Laking tuwa na sana niya nang may bumili sa relo ng bente mil. Sobra na iyon para sa MRI ng kanyang ina. Ngunit nang palabas na siya sa sanlaan ng intsik kung saan niya binenta ang relo ay hinarang siya ng Swabe gang. Tinutukan siya ng kutsilyo. Hindi na raw siya guguluhin ng mga ito kung ibibigay niya ang pera. Tinangka pa niya noon tumakas pero hindi pa man siya nakakalayo ay hinablot na siya sa buhok ni Cardo at nilimas ang pera niya bago siya iniwan. Nanghinayang siya sa pera ngunit sa kabilang banda ay swerte rin siya dahil iyon lang ang kinuha sa kanya at hindi ang buhay niya. Kung sakaling may nangyaring masama sa kanya, sino na ang magpapagamot sa kanyang ina? Kahapon ay pinuntahan siya ng kanyang kapitbahay sa hospital para itanong kung gusto ba niyang magtrabaho bilang waitress sa hotel dahil pwede raw siyang ipasok ng anak nito. Walang pag-alanlingan na tumango siya lalo’t above minimum ang sweldo at higit sa lahat ay pwede ang night shift. Pwede siyang magtrabaho sa gabi at maghanap ng diskarte sa umaga. Total sanay naman sa puyatan ang katawan niya. Kukunin na lang sana niya ang huling pera sa sahig nang may humablot sa kanyang kamay at hinila siya palayo. Ganoon na lang panggilalas niya nang makilala ang lalaking ninakawan niya ng relo. Paano kung babawiin nito ang relo? O pagbabayarin siya? Or worst, ipapakulong siya? “B-bitiwan mo ako.” Hindi ito sumunod bagkus ay hila pa rin siya. Nasa lounge area na sila nang bitiwan siya nito. “Nasaan na ang relo ko?” Sa kabila ng mahinahon nitong tinig ay hindi pa rin napigilan ni Lily ang mangatog ang tuhod. “A-anong relo?” “Don’t play innocent.” Nagkasalubong ang kilay nito. “Kababae mong tao, magnanakaw ka? Hindi na ako magtataka kung tama nga ang paratang sa iyo na kabit ni Congressman Mijares!” “Sino ka para husgahan ako?” “Bakit, kailangan ba naging tama ang pagnanakaw?” balik na tanong nito. Pinili niyang hindi sumagot habang kuyom ang kamao. Alam niyang hindi ito maniniwala sa kahit ano pang paliwanag niya. “I saw it.” “Ang alin?” “You smiled seductively to that old Congressman.” “Dahil ba ngumiti ako sa kanya ay kerida na niya ako?” Hindi makapaniwalang tanong niya. “Let’s just say I can smell your dirty plan, woman. Kilala ko ang mga uri mo.” Nagitla si Lily. Tama ito. Isa sa mga rason kung bakit nagtrabaho siya sa hotel na iyon ay para makasilo ng mayaman na lalaki, kesahodang matanda man. Pagod na siya sa lahat ng mga nangyayari sa buhay niya kaya iyon ang naisip niya na madaling paraan. Mas mabuti na iyon kesa sa sumama siya sa mga bugaw na ibebenta lang siya sa kung sinong driver o construction worker. Alam niya ang kanyang halaga lalo’t wala pang nakaangkin sa kanya. “Tama ba ako?” untag ng lalaki. Ngumisi. Sinalubong niya ang paningin mo. “Tama ka, ano naman sa iyo? Kilala ko rin ang mga uri mo. Kayo ang klase ng mga tao na mayaman at perfect kuno pero mahilig mangialam at manghusga sa buhay ng mga tao.” “What?” Napamaang ang lalaki. “Aalis na ako kung wala kang magandang sasabihin!” “Not too fast, woman!” Pinigilan siya nito sa mga kamay. “Isauli mo muna ang relo ko.” Pumiksi siya. “Wala nga sa akin!” sabi niya na naglakad sa labas. Nasa grand entrance na siya nang hinubad niya ang kanyang suot na apron at basta na lang tinapon doon. Nilukot rin niya pataas ang manggas ng suot na puting long sleeve polo. Nakita niya kung paano natigilan at natulala ang lalaki na sumunod pala sa kanya nang tinanggal niya ang tali ng buhok at sinuklay gamit ang mga daliri. Partikular na nakatitig ito sa kanyang dibdib kaya napayuko siya upang tingnan. Kaagad namula ang pisngi niya nang makita na nakabukas pala ang tatlong butones ng long sleeve polo niya at nakasilip ang itim na bra niya. “Bastos!” Lumipad ang kamay niya sa pisngi nito. Noon naman na tila natauhan ang lalaki. Nandilim ang mukha nito. “Wala pang babae na nakakasampal sa akin!” “Kasalanan mo dahil manyak ka!” “C’mon, sumama ka sa akin!” Hinaklit siya nito sa braso. “S-saan mo ako dadalhin?” “Sa presento ng pulis! Ipapakulong kita dahil sa pagnanakaw at pananakit sa akin.” Kahit anong pagpupumiglas niya ay hindi siya makaalis sa mahigpit na pagkakahawak nito. May tinawagan ito sa cellphone at wala pa marahil tatlong minuto ay may humintong magarang kotse sa harap nila. Pabalya siyang pinasok nito sa hulingang bahagi. Tumabi ito sa kanya. Bubuksan pa sana niya ang kabilang pinto ng kotse ngunit naka-lock iyon. “Pakawalan mo ako!” “Ibabalik mo sa akin ang relo ko at pakakawalan kita.” “Para relo lang magkakaganyan ka?” __ “ANO?!” gulantang si Lily sa sinabi ng pulis. Nagkakahalaga raw ang relo nang mahigit one hundred thousand US dollars o mahigit limang milyong peso . Nalula siya ng husto. Pwede na pala sana siyang mamuhay ng marangya at masasagot na ang lahat ng problema niya sa hospital sa halaga ng relong iyon tapos binenta lang niya ng bente mil? Naiintindihan na niya ngayon kung bakit kay lapad ng ngisi ng intsik na iyon. “Oo, Miss. Kaya desidido kang kasuhan ni Mr. Ventura,” sagot ng pulis, “Ano po gagawin ko?” “Kayo ang mag-usap. Baka pwede niyo pang madaan sa areglo.” Binalingan niya ang lalaki na noo’y parang hari na naka-dekuwatrong umupo. Naka-steady pa rito electric fan habang siya at ang iba pang pulis ay tagaktak ang pawis dahil napakainit ng police precinct na iyon. Siguro nga hindi ito basta-basta na tao. Kulang na lang kasi ay huluran ito ng mga pulis. At napansin din niya ang relo nitong suot na katulad mismo ng ninakaw niya. Ganoon lang nito kadali napalitan ang ganoon kamahal na bagay? Tumikhim siya. Sa pagkakataon na iyon ay tila naging maamong tupa siyang lumapit dito. “Mister, sorry sa nagawa ko. Sobrang kailangan ko kasi ang pera dahil nakaratay sa hospital ang mama ko.” “Same old reason ng mga kawatan,” tila tinatamad na sabi ng lalaki. Binalingan nito ang mga pulis. “Parating na dito ang lawyer ko. Desidido akong kasuhan ang babaeng iyan.” Pinigilan niya ito nang tumayo na. “Sir, Mister. .. Kung sino ka man, pakiusap huwag mo akong idemanda. Hindi ako nagsisinungaling kahit alamin mo pa. Please! Hindi ako pwedeng makulong!” Hindi siya pinansin ng lalaki. Bagkus ay nagpaalam na ito sa mga pulis. Hinabol niya ito hanggang sa labas. “Mister, Please!” “Alisin mo ang kamay mo sa braso ko,” malamig na turan nito. Hindi na napigilan ni Lily ang pag-agos ng luha. Paano na lang ang kanyang ina kapag nakulong siya? Walang pag-alinlangan na lumuhod siya sa harap nito. “Para mo ng awa!” Niyuko siya nang lalaki. Nakita niya na lumambot ang mukha nito ngunit saglit lang at bumalik kaagad ang blangko nitong mukha. “Ano ang gagawin ko para hindi mo idemanda?” “Nothing. Hindi na magababgo ang desisyon ko.” Iyon lang at hindi na niya napigilan ang pagpasok nito sa magarang koste nito. Tumangis na lang siya ng iyak habang tinitingnan ang papalayong kotse. Iyon na ang kaakibat na konsekwensya sa lahat ng mga pinagagawa niya. Kung wala ng mag-aalaga sa kanyang ina ay tiyak pabayaan na ito na mga doctor. Baka mabalitaan na lang niya na wala na ito habang nakakulong siya. Nanikip ang kanyang dibdib sa isipin na iyon. Hindi niya kaya kapag nawala ang kanyang ina. Nanghihina na napaupo siya sa gutter. Sinusubsob niya ang mukha sa dalawang palad. Tahimik na umiyak. Hindi niya alam kung gaano siya katagal sa ganoong posisyon hanggang sa maramdaman na lang niya na may humintong kotse sa harap niya kaya nagtaas siya ng tingin. Bumalik ang lalaki! Nabuhayan siya ng loob na kaagad na tumayo. Sinalubong niya ito nang bumababa ito sa kotse. “Mr. Sir!” “Ayaw mo ba talagang makulong?” “Oo, Mr. Sir! Gagawin ko ang lahat para iurong mo lang ang demanda.” “Good.” Tumango ang lalaki. “Ibig sabihin pinapatawad mo na ako?” “No,” deretsong sagot ng lalaki. “H-hindi kita maintindihan.” “I still need you to pay me.” Nayakap niya ang sarili. Nakuha niya ang ibig nitong sabihin. Okay! Payag siya na ibigay dito ang pagkabirhen niya kapalit lang ng pag-urong nito ng demanda. “Payag ako, mag-set ka lang kung kailang, anong oras at kung saan.” Nagkasalubong ang kilay ng lalaki. “What?” “Handa kong ibigay ang p********e ko kung iyon ang gusto mo!” Nanlaki ang mata nito. Gulat. Nang makahuma ay tumawa ito ng nakakaloko. “I’m sorry but you’re not my type.” “Ibig mong sabihin. . . “Natuptop niya ang bibig. Hindi siya makapaniwala na sa kabila makisig na anyo nito ay isa itong bakla. “What’s with that expression?” “B-bakla ka, Mr. Sir?” Naningkit ang mata nito. “How could you say that?!” Tumaas ang boses nito. “Kasi sabi mo – “ “No, I’m not. Okay, let’s stop this nonsense. Ang lawyer ko na bahala sa iyo,” nairitang sabi nito. “Mr. Sir! Sorry kung nagkamali lang ako sa pagkaintindi. Patawad!” Pigil niya rito. “Sa paanong paraan po kita mababayaran? Mr. Sir, wala akong kapera-pera dito.” Bumuntong-hininga ito. “Colt Ventura ang pangalan ko kaya huwag mo akong tawagin na Mr. Sir.” “Okay, C-colt. Ako naman si Lily Jenssen.” “Half blood?” Tumango siya bilang sagot. “Oh I see.” “C-colt, paano kita mababayaran?” “Be my slave.” Maang siyang napatingin rito. “Gagawin kitang maid sa loob ng maraming taon. Libre ang serbisyo mo hanggang sa mabayaran mo ang ninakaw mo.” Natulala si Lily. Nagkwenta sa utak. Sa laki ng kanyang ninakaw ay tiyak na aabutin siya ng pagtanda sa pagpapakaalipin dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD