CHAPTER FOUR

1612 Words
NAPAILING si Colt nang mapasulyap sa braso niya na suot na ang bagong relo na Patek Philippe Nautilus na nagkakahalaga ng milyon. Parehong model lang iyon ng relong nawala sa kanya – no, ninanakaw ang tamang salita na dapat gamitin. Hindi niya alam kung saan hinugot nang babaeng iyon ang kakapalan ng mukha na sa kabila nang pagtulong niya rito ay nagawa pa siyang pagnakawan. At hindi rin niya alam kung ano ang pumasok sa utak niya kung bakit hinayaan niya ang sarili na ma-involve sa gulo nito. Kailan ba siya nagkaroon ng malasakit sa kapwa niya? Marahil ay naakit lang siya ng husto sa kagandahang  taglay ng babaeng iyon at nanghihinayang siya na magasgasan ang mala-anghel na mukha nito. Angel? My ass! Aware ba ang babaeng iyon kung magkano ang halaga ng relo? Bwenas ang makakabili noon kung ibebenta lang nito ng trenta mil o mas mababa pa. Nagdadalawang isip siya kung ipapahanap pa ba ang babae at ipapakulong o kung hahayaan na lang dahil aksaya pa ng oras. Sumisim siya ng wine. Nakaupo siya sa Lanai ng kanyang mansyon. Sa harap ay isang infinity pool habang sa ‘di kalayuan naman ay garden na may malaking jar fountain. “Nasa lanai po si Senyorito.” Natigilan siya sa pagsalin ng Cheval Blanc sa wineglass nang marinig ang boses na iyon ng kanyang katulong. Kasunod niyon ay ang boses ng kanyang mga pinsan na sina Corbin, Carter at Connor. They are all Ventura’s. Magkakapatid ang kanilang ama. Batid niyang guguluhin na naman ng mga ito ang katahimikan niya. Sa kanilang magpipinsan ay siya ang pinakaseryoso. He was all into business and making money. Hindi siya nag-aaksaya ng oras sa mga walang kabuluhang bagay. Malimit pa sa patak ng ulan sa disyerto na makikita siyang sumasama sa good time ng mga ito. Kaya madalas ay siya ang pinupuntahan ng mga ito upang istorbohin at lalaklakin ang koleksyon niya ng mga mamahalin na wine. “Hey, bro.” Bati sa kanya ni Corbin na tinapik siya sa balikat bilang pagbati. Umupo ito sa couch na katapat lang niya. Sa kanilang apat na magpipinsan ay ito ang pinaka-close niya dahil hindi nalalayo ang ugali niya rito. Seryoso din ito sa buhay. Iyon nga lang ang pagkakaiba nila ay hindi ito mahilig sa negosyo. Nagtapos ito ng criminology. Sa pagkakaalam ng publiko ay bumitiw na ito bilang pulis ngunit ang totoo ay isa na itong secret agent. Kasalukuyan itong may iniimbestighan na malaking sindikato. Napansin nga niya na ilang araw na ito na wala sa sarili nang maging misyon nito na imbestigahan ang isang babae na reyna sa local syndicate. Delikado ang trabaho ni Corbin. At dapat mananatiling sekreto ang mga aktibidad nito pero nagsasabi ito sa kanilang magpipinsan para alam nila kung sakaling may mangyaring masama rito. Isa pa, alam nitong hinding-hindi nila ito ipapahamak. “How’s you girl?” tukoy niya sa reyna ng sindakato. “Let’s not talk about her.” Nagkibit-balikat siya. Dumako ang mata niya sa magkapatid na Carter at Connor na noon lang pumasok sa Lanai. Malamang inuna pang puntahan ang kanyang mini bar dahil sa hawak na mga ito na bote ng wine at Pinot noir wineglass. Si Connor ay kasing edad niya – bente nueve anyos. Habang si Carter ay mas bata lang sa kanila ng dalawang  taon. Tulad niya ay tinagurian din na bilyonaro ang dalawa dahil matagumpay rin sa mga negosyo. “What’s up?” tanong ni Carter na tumabi sa kanya. Inamoy pa muna nito ang wine bago inisang tungga. Happy-go-lucky si Carter. Umiiyak ang gabi kapag hindi ito laman ng bar. Mahilig din ito sa car racing. Sa katunayan, ang scar nito sa bandang kilay ay bunga ng walang kwentang karera. Tumagilid ang sports car nito. Mabuti na lang nakasuot ito ng whole protective gear kaya ganoon lang ang natamong pinsala. “Cheers! Para sa duguan kong puso!” wika pa ni Carter. Muling na naman itong tumungga ng wine. May balak nga yata magpakalunod sa alak. “What? Ikaw brokenhearted? C’mon, bro!” Iling ni Corbin. “Leave my place after thirty minutes,” sabi ni Colt na akmang tatayo pero pinigilan siya ni Carter. Sinubsob nito ang mukha sa kanyang dibdib. “I’m doomed.” Naalibadbaran na tinulak niya ito. “Didn’t you all take me seriously?” Maang si Carter. Umiling silang lahat bilang sagot. “Totoo nasasaktan ang puso ko.” “Tell us, Carter. Are you using drugs?” seryosong tanong ng kapatid nitong si Connor. “Of course not! Maloko lang akong tao pero hindi ako gumagamit ng pinagbabawal na gamot.” “Why? What happened?” Hindi na nakatiis na tanong niya. “Maniniwala ba kayo na in love raw siya sa isang fairy? Tapos kinuha raw ng mother fairy kaya naghiwalay silang dalawa.” Paliwanag ni Connor. Bumunghalit ng tawa si Corbin. “Seriously?” “Sasamahan kita bukas magpa-drug test, Carter,” seryosong sabi niya sa pinsan. “I’m dead serious! May bagay talaga sa mundo na mahirap paniwalaan. But I saw it in my own eyes, she transformed into a fairy!” Nangangalaiti na si Carter. “Alright. Naniniwala ka na kami sa iyo.” Patianod ni Connor. “Pero kung ayaw mong magpa-test. Dadalhin pa rin kita sa psychiatrist.” Naningkit ang mata ni Carter sa inis. “By the way, may ipapahanap ako sa iyo.” Baling niya kay Corbin para maiba na ang usapan. “Who?” “Babae,” sagot ni Colt. “Ano ang case?” “Ninakaw niya ang relo ko.” “The million worth of watch?” “Yeah.” “Shoot. Just give me the details.”   __   KUNG sinuswerte nga naman. Hindi na kailangan ni Colt ang serbisyo ni Corbin dahil nasa harap na niya ang babaeng hinahanap niya. Kasalukuyan siyang nasa Party nang isang Senador. Mga alta sa syudad ang mga imbitado. Kabilang na ang mga pulitiko, batikang artista at kagaya niyang business tycoon. Nakasuot ang babae ng unipormeng pang waitress. Halatang pagod ang mukha nito ngunit nakukuha pa ring ngumiti sa mga pinasisilbihan. Kapansin-pansin ang pagtitig dito ng mga kalalakehan na naroon kahit ano pa mang antas ng edad. Hindi naman nakakapagtaka iyon dahil kahit lispitck lang ang inilagay ng babae sa mukha nito ay hindi maitatanggi na mala-diyosa ito sa ganda. Siguro kung nakasuot din ito ng gown ay mangingibabaw ang ganda nito kahit itabi pa sa mga artista na nakuha lang sa kapal ng make up ang ganda. Walang kaalam-alam ang babae na naroon din siya sa party na iyon. Nakita niyang pumunta ito sa sulok. Parang hinaplos ng awa ang kanyang puso nang makita niya na hinilot nito ang batok. Kahit fully airconditioned ang hall ng hotel na iyon ay pawisan ito. Nalaglag na rin ang ilang hibla ng buhok nito mula sa maayos na pagkakatirintas. Nagkasalubong ang kilay niya nang nilapitan ito ni Congressman Mijares – ama ng babaeng nakatalik niya noong nakaraang linggo. Hinawakan nito sa beywang babae at tila nagtabong kung okay lang ito. Alam niyang hindi concern ang Congressman. May ibang pakay ito. At ang babae naman sa kabila nang halatang pagod ay nakuha pa rin na ngumiti na mapang-akit. “B!tch,” bulong niya. Sa palagay niya ay hindi lang magnanakaw ang babae kundi isang gold digger din. Natakpan ang babae nang may dumaan na waiter sa harap niya. Wala pa yatang limang segundo ang mabibilang nang makarinig siya nang isang sigaw. Galing iyon sa kinaroroonan ng babaeng magnanakaw. Nakita niya na sapo nito ang pisngi habang si Congressman ay pigil ang asawa nito sa muling pang-aatake. Nakaagaw sa atensyon ng lahat ang komosyon na iyon at namayani ang bulong-bulungan. “Siya ba ang bagong kerida ni Congressman?” Narinig niyang tanong isang beteranang aktres na nasa likuran. Kausap nito ang isang socialite. “Yes. I think. Balita ko kasi mahilig si Congressman sa cheap na mga babae.” “What a coincidence, akalain mo invited si Congressman sa party kung saan naka-duty rin ang kalaguyo niya. Hindi alam ni Colt kung maniniwala siya sa mga narinig. Pero sa capacity ng babae ay hindi malabo na tama nga iyon. “Hindi ko nga kilala iyang lalaki na iyan! Bigla lang siyang lumapit sa akin!” Narinig niyang sigaw ng babae. “Sinungaling! Paanong hindi mo kilala ang asawa ko, e isa siyang Congressman? Layuan mo ang asawa ko, You slut!” “Bawiin mo iyang sinasabi mo.” Nandilim ang mukha ng babae. “Alam kong kerida ka ng asawa ko!” Akmang sasampalin ng babae ang asawa ni Congressman Mijares ngunit humarang ang isa bodyguard. What a great show. “Bitiwan niyo ako! Sisirain ko pa lalo ang mukha ng hukluban na iyan!” nagpupumigl as na sigaw ng babae. “Hoy! ikaw pa ang matapang? Idedemanda kita! Sige! Ipatapon niyo iyan sa labas!” Kinaladlad na ang babae ng dalawang bodyguard. “Ibigay niyo muna sa akin ang sahod ko! Kailangan ko ng pera!” Nagsimula ng umiyak ang babae. Pinipilit nitong kumuwala. “Wait!” sigaw ng asawa ng Congressman. Lumapit ito sa babae habang may kinukuha sa loob ng pouch nito. Ilang libong pera. At basta na lang iyon tinapon sa mukha ng babae. “’Ayan! Bayad iyan para huwag mo ng lapitan ang asawa ko.” Naghimagsik ang puso niya sa nasaksihan. Parang sobra naman yata iyon para pahiyain ang babae. Sa halip na salungatin ang sinabi ng asawa ni Congressman Migares ay lumuluha na pinulot pa ng babae ang mga pera. Hindi na niya kayang titigan lang ang mga nangyayari.  Lumapit siya sa babae at walang salita na hinila niya ito palabas ng hall na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD