“KAILANGAN mo ba talaga umalis?” tanong ni Lily kay Conrad. Nasa living room sila. Sa harap nito ay may isang maleta. Isang linggo raw ito mawawala sapagkat pupunta rito sa Singapore para sa negosyo. Ibig sabihin ay maiiwan silang mag-isa ni Colt sa mansyon. Mas mabibigyan ito ng pagkakataon para akitin siya. At nag-aalala siya na baka hindi rin niya makontrol ang sarili at tuluyan na niyang maibigay ang sarili rito. Noong nakaraang gabi nga ay muntik na mangyari sa kanila doon mismo sa loob ng kanyang closet. Nakalimot na siya. Nalalasing na siya sa halik at mga yakap haplos ni Colt. Nagawa na nga nitong hubarin ang pang itaas na bahagi na iyon ng kanyang suot. Noong gabi na iyon ay suot niya ang ternong pajama na mayroong sleeve. Binili niya iyon kasabay ng kurtina sa Mall. Nang mal