NAIINIS si Lily sa kanyang sarili dahil kahit anong pilit niya mag-concentrate sa kanyang binabasa ay hindi niya magawa. Gusto na naman niyang tumayo at sumilip sa terrace. Mula kasi roon ay makikita si Colt at ang mga pinsan nito nagsu-swimming at nag-iinuman sa swimming pool. At may kanya-kanyang partner na babae. Dumating ang mga pinsan ni Colt kanina. Akala niya pagkatapos mag-dinner ay uuwi rin kaagad ang mga ito. Nagkulong siya sa kwarto at dalawang oras lang marahil ang nakakalipas nang makarinig siya ng tili ng mga babae kaya kaagad siya napatakbo sa terrace para tingnan kung ano ang nangyari. Nakita niya si Colt at mga pinsan nito na nasa swimming pool. At may kaharutan na mga seksing babae na malamang pinapunta ng mga ito. ‘Lily, pigilan mo ang sarili mo. Huwag kang tumayo!’ si